I Juander, ano nga ba ang mga natatanging kultura at pasyalan ng Zamboanga Del Norte?

ZAMBOANGA PART 2

Sa 2nd part ng 10th Anniversary Special ng I Juander, dadayuhin naman natin ang probinsya ng Zamboanga Del Norte para tuklasin ang mayaman nilang kultura, tumikim ng masasarap na putahe at pasyalan ang mga natatago nilang paraiso.

 

 

Tumatak sa kasaysayan ang bayan ng Dapitan nang ipatapon dito ang bayaning si Jose Rizal noong panahon ng mga Kastila. Ang hindi alam ng marami, matatagpuan din dito ang isang natatagong paraiso na hindi pa gaanong nararating ng mga turista at maging ng mga taga-rito. Ang teacher/TikToker na si Christian Mae, na born and raised mismo sa Zamboanga Del Norte, tutuklasin ang ganda ng Selinog Island.

 

Kapag naman Spanish sardines ang pag-uusapan, ang kilala raw diyan ang Dipolog City. At para alamin ang kuwento sa likod ng industriyang ito, pupuntahan ni Christian Mae ang pinaka malaki at pinaka kilalang gumagawa nito, ang Montano Sardines na nagsimula noon pang dekada sitenta. Hindi rin dapat palagpasing mapuntahan ang mga ipinagmamalaking pasyalan ng Dipolog.

At mula sa lungsod, akyatin naman ang mabundok na bayan ng Siayan kung saan naninirahan ang mga katutubong Subanon. Sa kabila ng modernong panahon, napananatili pa rin nila ang kanilang makalumang kultura. I Juander, paano nga ba nila ginagawa ang kanilang tradisyunal na alak na kung tawagin, pangase?

Samahan sina Susan Enriquez at Mark Salazar sa part two ng ika-sampung taong anibersaryo ng I Juander ngayong Linggo, 7:45 PM sa GTV. At alamin ang sagot sa tanong ni Juan:

I Juander, ano-ano ang mga natatanging kultura’t tradisyon ng mga taga-Zamboanga Del Norte?



I Juander, ano nga ba ang mga natatanging kultura at pasyalan ng Zamboanga Del Norte?
Source: Philipines News Journal

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment