RARAMPA ANG BEAUTY NG SOUTHERN LEYTE SA BIYAHE NI DREW!
Sunday, November 28, 2021
8:30 PM GTV
Kasama ang mga proud na lokal ng Southern Leyte, ibabahagi ni Biyahero Drew ang ganda nito!
Kilala ang Limasawa Island ng Southern Leyte dahil dito raw ginanap ang unang misa sa Pilipinas. Pero kamangha-mangha pala ang ganda ng dagat dito. Puwedeng-puwede pang mag-cliffjumping para sa mga naghahanap ng adventure.
Matatagpuan din sa Southern Leyte ang pinakamataas na tulay sa buong Pilipinas! Narito rin ang mga lokal na pinag-aralan ang skimboarding simula ng pandemiya. Sila na rin ang nagtuturo ng skimboarding sa mga biyahero.
Ipinagmamalaki naman ng bayan ng Maasin ang Monte Cueva Shrine. Isa itong simbahan na makikita sa loob ng isang kweba. Sulit ang pagpunta rito dahil maliban sa shrine, mayroon pang magandang viewdeck kung saan tanaw ang buong Maasin City.
Puwede ring mag-foodventure sa iba’t ibang Southern Leyte dishes. Nariyan ang kulo o breadfruit! O, mabusog sa mga kakanin ng probinsiya kagaya ng choco moron at sagmani.
Ibabahagi naman ni Drew ang bibingka ng Southern Leyte with a twist! Susubukan niyang lutuin ang choco bibingka sa kanyang bahay. Ano kaya ang magiging kalabasan nito?
Sama na sa Biyahe ni Drew sa Linggo, 8:30PM sa GTV.
——-
Biyahe ni Drew showcases the many natural and manmade attractions of Southern Leyte. With the help of locals, Drew Arellano explores the island of Limasawa, the tallest bridge in the Philippines and the unique Monte Cueva Shrine of Maasin City.
Biyahero Drew explores the beauty of Southern Leyte!
Source: Philipines News Journal
0 comments :
Post a Comment