Batang labis na lumaki ang dila, muling itatampok sa Brigada!

 

SAKIT (Hoarding, Ngiti ni Bunso, Sa Likod ng Rehas)

Hindi dapat ipagsawalang-bahala ang anumang karamdaman, pisikal man ito o kahit pa ‘yung mga nakaaapekto sa ating isipan. Kapag ito kasi ay napabayaan at lumala, maaaring humantong sa puntong mas mahihirapan na ang tao na ito’y maagapan pa. Balikan natin ang ilang mga istoryang nagpapakitang sa likod ng problema ng mga dinaranas na karamdaman, may nalalabi pa ring pag-asa.

 

SELF LOVE (Sa Likod ng Kolorete, Arms Up, Danvibes)

Ang hirap ngayon, bawat kibot mo, may masasabi at masasabi sa’yo ang ibang tao. Ang dami kasing perfect diyan, ‘di ba? Sadyang ganito nga lang talaga siguro ang mapanghusgang mundong ating ginagalawan. Payo ng ilan, para hindi tayo masyadong maapektuhan, huwag na lang pansinin ang mga sinasabi ng iba, dahil mas makatutulong kung ang bibigyan natin ng importansiya ang ating sarili sa pamamagitan ng #selflove!

 

NANAY STORIES (Wais Pinays in America, Pinay Eomma, Dumpster Divers)

Ang mga Pilipinas, likas na maparaan. Kaya naman kahit saan mang lupalop mapadpad ang ating mga kababayan… hindi talaga mapipigilang lumabas ang ating diskarte sa kahit anumang larangan. Patunay diyan ang ang ilan sa mga kuwento ng mga nakilala nating Wais Pinays sa Amerika, mga Pinay Eomma sa Korea, at kakaibang raket ng mga mommy Dumpster Divers abroad!

 

Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Sabado, 9:50 ng gabi, sa iisang Brigada sa GTV.



Batang labis na lumaki ang dila, muling itatampok sa Brigada!
Source: Philipines News Journal

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment