ANINO
HIndi raw pangkaraniwan ang paningin ni Mylene, hindi niya tunay na pangalan. Tuwing sumasapit daw kasi ang dilim, may nakikita siyang mga nilalang na hindi maipaliwanag dahil sa bukas daw niyang third eye. Pero imbes na mga demonyo at maligno, mga taong anino daw ang lumalabas at nagpaparamdam sa kanya. Madalas daw na umaaligid lang daw ito sa kanyang paningin, pero may mga pagkakataon daw na sadyang lumalapit sa kanya ang mga ito para kausapin siya. Sa ilang taon na rin niyang nakakasalamuha ang mga taong anino, nasanay na rin daw siya sa pagpapakita ng mga ito. Bukod din sa bukas niyang third eye, kasama rin sa mga pambihirang kakayanan ni Mylene ang devil’s tongue kung saan ang nasasambit niya raw na masama sa isang tao ay nangyayari o nagkakatotoo. Ipinaliwanag ni Mylene kay Kara David ang mga umano’y nagagawa ng kanyang kapangyarihan.
WITCH-TOK
Kapag sinabing mangkukulam, ang kadalasang imahe na pumapasok sa ating isipan ay matandang babaeng bihasa sa mahika at kadalasa’y ilag sa mga tao. Pero ngayon, ang ilang di-umano’y mangkukulam, nasa Tiktok na! Isa na rito si Mangku o mangkukulam for short na mula pa raw sa pamilya ng mga mambabarang at manggagamot. Ang kanyang pagiging bihasa sa witchcraft at pagbabasa ng kapalaran ay lantad niyang ibinabahagi sa Tiktok. Sa Tiktok din itinatampok ni Conjure Queen ang kasanayan niya sa paggawa ng mga gayuma at cleansing rituals na epektibo daw na pantaboy ng malas. Nakilala ni Aubrey Carampel ang ilan sa mga tinagurian ngayong “witch-tok” o mga makabagong mangkukulam sa video sharing app na Tiktok.
HORROR FOOD
Kahit pa unti-unti nang lumuluwag ang Covid-19 restrictions sa ating bansa, bawal pa ring lumabas ang mga bata para mag-trick or treat ngayong paparating na halloween. Para ma-feel pa rin ng mga bata ang halloween spirit, bakit hindi na lang tayo maghanda ng iba’t ibang pagkaing horror ang tema? Ganito ang pinagkakaabalahan ngayon ng baker na si Patricia. Sa katunayan, mga horror-themed cakes daw ang pinakamabenta sa kanilang cake shop sa ngayon. Ilan sa kanilang spooky creations ang cakes na hugis putol na kamay, utak at daliri ng tao, pati na ang karakter na si Undin sa classic na horror movie na Shake, Rattle, and Roll na kopyang kopya pati na ang nilabasan nitong inidoro! Kumasa rin sa halloween-themed cooking challenge si Chino Gaston.
Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Sabado, 9:50 ng gabi, sa iisang Brigada sa GTV.
WitchTok o mangkukulam na present sa TikTok, itatampok sa Brigada!
Source: Philipines News Journal
0 comments :
Post a Comment