On Record
Airing Date: November 2, 2021
PAMANANG RECIPE
Nang maglinis si Judy San Mateo sa ancestral house ng kaniyang pamilya ay natagpuan niya ang century-old photos ng kaniyang lolo at lola. Isang kahon din na may lamang recipe ang kaniyang nakita. Naninilaw at marupok na ang mga pahina ng photo album pero malinaw at buo pa ang mga litrato. Alamin kung paano itatago nang maayos ang inyong mga printed photo para tumagal ng maraming taon. Ang anak ni Judy na si Lia ay magluluto ng Fettuccine Con Tuna, ang isa sa pamanang recipe ng kaniyang great grand lola.
Ipinagmalaki ni Vince Villena sa TikTok ang hand bike na gawa mismo ng kaniyang ama na si Estefanio. May orthopedic polio si Estefanio. Imbes na paa, mga kamay at braso ang gamit para tumakbo ang isang hand bike. Makatutulong daw ito sa mga gaya niyang person with disability. Nabuo niya ang hand bike sa loob lang ng tatlong araw mula sa second hand bike parts.
From sari-sari store to bohemian-inspired bedroom – ito ang ibinida ni Roselle Almuete sa kaniyang TikTok video. Limang buwan ang inabot bago ito matapos. Ibabahagi ni Roselle ang step-by-step process mula sa planning hanggang mismong renovation.
Abangan ang mga kuwentong uukit ng ngiti at kukurot sa inyong puso sa On Record kasama sina Oscar Oida at Mav Gonzales ngayong Martes, 10:30 AM, sa GTV.
ENGLISH VERSION
Judy San Mateo was cleaning their ancestral house when she found an old photo album. Embrace a sense of nostalgia in century-old, tattered photographs of her grandparents and a box of typewritten recipes of her grandmother. Lia, Judy’s daughter, tries one of their family recipes — the Fettuccine Con Tuna — a legacy from the kitchen.
Fifty-eight-year-old Estefanio Villena assembled a hand bike from scrap materials. He had polio at a young age. A handbike is propelled by arms rather than legs and is ideal for people whose legs are too weak to cycle. He hopes to replicate his bike to benefit other persons with disabilities.
You’re sure to be inspired by Roselle Almuwete’s boho-styled bedroom. She remodeled their sari-sari store and turned it into the bedroom of her dreams. She got her inspiration from the social media accounts of interior designers. She also shares do-it-yourself décor tips to create the boho theme she always wanted.
Catch On Record every Tuesday at 10:30 AM on GTV.
Pamanang recipe mula pa noong 1960s, itatampok sa On Record!
Source: Philipines News Journal
0 comments :
Post a Comment