Heavy-gat at confidently delicious with a heart ang kainan natin ngayong Sarap o’clock Thursday sa IRL!
Kahit buong pamilya, puwedeng puwedeng magsalu-salo sa giant lomi na ito ng Corcolon Lomi House sa San Jose, Batangas! Anu-ano ang overloaded toppings nito na aabot ng halos walong kilo at kayang bumusog ng 15 tao?
Dambuhalang burger naman para sa buong barkada ang ipinagmamalaki ng Burgers Ahuy sa Sto. Tomas, Batangas. Mamili mula sa nakalulula nilang burgers na may lapad na nine inches hanggang 27 inches!
At kung 2-in-1 giant merienda naman ang hanap ninyo, ang Giant Pizza Burger ng Buboy’s All Food Delivery ang para sa inyo! Siguradong wala raw mabibitin sa kanilang seven inches at 10 inches na Giant Mozza burger, Giant Pepperoni Pizza Burger, at Giant Hawaiian Pizza Burger.
At kung sawa na sa pang-araw-araw na karne na inihahain sa mesa, puwedeng puwedeng lagyan ng “puso” ang mga inilulutong putahe para sa pamilya! Alamin kung paano bigyan ng puso ng saging twist ang inyong ensalada, adobo, at bola-bola!
Abangan lahat ng iyan sa IRL kung saan trending ang kuwentuhan at kainan ngayong Sarap O’Clock Thursday, 6pm sa GTV.
0 comments :
Post a Comment