Inukit na Negosyo, 99 Pesos Sizzling Meals at OOTD para sa Furbabies, alamin!

Mga negosyong hinubog ng kamay at matinding tiyaga at pasensiya ang tampok ngayong Sabado!
 
Bidang-bida ang mga woodcarver ng Paete, Laguna sa negosyo nina Makki at Acelene. Mayroon silang mga customized na gamit tulad ng orasan na inukit mismo ng mga master woodcarver! Naging moderno rin sila sa pamamagitan ng laser cutting at laser engraving. Inukit man ng kamay o ng makina, tagumpay ang negosyo nila. Sa katunayan, halos 100,000 pesos kada buwan ang kinikita nila mula rito.

Hobby naman ng fur parent na si Chelsea ang paggantsilyo ng mga damit para sa kanyang furbabies. Nang magkakilala sila ni Danica na mayroong pet essentials business, agad-agad na sinama ni Danica ang mga damit na gawa ni Chelsea sa kanilang mga produkto. Hindi nila inakala na magiging patok pala ito sa mga customer dahil 250 crocheted sets ang nabebenta nila kada linggo!

Sizzling meals na niluto ni Charmaine ang naging pampaswerte sa kanya sa negosyo. Iba’t ibang negosyo ba naman kasi ang sinubukan niya gaya ng pagbebenta ng mga damit at empanada bago siya magtagumpay. Alamin ang napakahirap na pinagdaanan ni Charmaine hindi lang sa negosyo kung hindi pati na rin sa buhay.

Kaya laging taandaan, pera lang iyan, kayang-kayang gawan ng paraan! Abangan iyan tuwing Sabado 10:45 ng umaga sa GMA!



Inukit na Negosyo, 99 Pesos Sizzling Meals at OOTD para sa Furbabies, alamin!
Source: Philipines News Journal

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment