Pamumuo ng gallstones sa ating katawan, paano maiiwasan? Alamin sa Pinoy MD!

 

Pinoy MD

December 3, 2022

Sabado alas 6 ng umaga sa GMA

 

 

 

Ngayong Sabado ng umaga, mga usaping pangkalusugan na naman ang aming ihahain sa inyong mga mesa! Food trip all around the Philippines ba ang hanap? Punta na rito sa bagong pasyalan sa Pasay kung saan ang mga ipinagmamalaking pagkain sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ibibida!

 

 

Spiderman o Lastikman? Kalma lang, si Arman lang iyan! Sa galing niyang mag-flex ng katawan, hindi mo nga raw aakalaing isa siyang differently disabled! Ngayong International Day of Persons with Disability, tunghayan ang kuwento ni Arman at ang mga kaya pa niyang gawin sa kabila ng kapansanan.

 

 

 

Paano kung ang dahilan pala ng pananakit ng iyong tiyan ay bato sa apdo na singlaki na ng buto ng santol? Paano nga ba ito nakukuha at paano ito maiiwasan?

 

 

Nagbalat at nagkasugat-sugat naman ang paa ni Mang Joe matapos maglakad at tumakbo mula Luneta hanggang Banaue sa loob ng tatlong araw! Ang problema, nababad daw kasi ang kanyang paa sa baha! Paano nga ba dapat ingatan ang ating mga paa?

 

Samahan ang batikang broadcast journalist na si Connie Sison at ang internist at wellness expert na si Doc Oyie Balburias para ihatid sa inyo ang mga balita at solusyong pangkalusugan ngayong Sabado, Dec. 3, alas 6 ng umaga sa Pinoy MD.

 



Pamumuo ng gallstones sa ating katawan, paano maiiwasan? Alamin sa Pinoy MD!
Source: Philipines News Journal

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment