Mga paboritong ulam nating mga Pilipino, puwede na ring gawing masustansiya? Alamin sa Pinoy MD!

 

Pinoy MD

November 12, 2022

Sabado alas 6 ng umaga sa GMA

 

 

 

Ngayong Sabado ng umaga, sabay-sabay tayong mag-almusal dahil magfu-food trip tayo sa isang karinderya sa Sampaloc, Maynila! Putok-batok man sa inyong paningin, ang mga ulam at pagkaing inihahain dito, healthy? Alamin kung paano magluto ng karneng gawa sa… gulay!

 

 

At ang dalawang taong gulang na si Athynna, nagsuka matapos mahulog sa kama! Dahil dito, kinailangan pa siyang sumailalim sa Magnetic Resonance Imaging o MRI. Ano ang mga sensyales na dapat ipatinginan sa doctor ang inyong anak matapos mahulog?

 

 

Kung ikaw naman ay stressed, malungkot, o galit, may isang lugar sa Pampanga kung saan puwede kang magbasag ng gamit! Paano nga ba nakatutulong sa stress at anger management ang smash therapy?

 

 

At kitang-kita sa camera ang pagkatapilok ng isang netizen, ano nga ba ang dapat gawin kapag masama ang landing? Paano nga ba maiiwasan kung ikaw ay matapilok?

 

 

Samahan ang batikang broadcast journalist na si Connie Sison at ang dermatologist na si Doc Jean Marquez para ihatid sa inyo ang mga balita at solusyong pangkalusugan ngayong Sabado, Nov. 12, alas 6 ng umaga sa Pinoy MD.

 

 



Mga paboritong ulam nating mga Pilipino, puwede na ring gawing masustansiya? Alamin sa Pinoy MD!
Source: Philipines News Journal

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment