Pagpapakabit ng mas marami at makabagong CCTV, susi nga ba sa pagbaba ng kriminalidad sa bansa?

 

2021 NEW YORK FESTIVALS BRONZE WORLD MEDALIST
CRIMES ON CAM

AUGUST 7, 2022 / LINGGO / 9:15PM SA GTV

 

Ang mga closed circuit television camera o CCTV, nagsisilbing mga piping saksi sa mga nagaganap sa ilang lugar at kalsada. At sa ilang pagkakataon, hindi rin nakaliligtas ang mga krimen sa mga mata ng CCTV.

 

Sa Las Pinas City, nakunan ng CCTV ang tangkang pagdukot sa isang babae nitong May 25. Makikitang huminto ang isang SUV sa gilid ng daan. Nang dumaan ang isang babaeng menor de edad, bigla na lang siyang pilit isinakay sa sasakyan.

 

Backtracking o pagreview sa mga kuha ng CCTV ang ginawa ng Las Pinas City police para matukoy ang mga sangkot sa krimen.

 

 

CCTV footage mula sa ilang gusali ang naging daan para maisara ang isang karumal-dumal na kaso sa Caloocan City.  October 2021, nahagip ng camera ang pananaksak sa isang balut vendor na si Isidro Melevo . Dahil sa dami ng tama, tuluyang binawian ng buhay ang biktima.

 

Nito lang July 4, 2022, nawalang parang bula si Anamelyn Lunar, 35 years old sa Maynila. Sa imbestigasyon ng mga pulis, napasakamay nila ang kopya ng CCTV sa lugar. Dito na sila nagulat sa kanilang natuklasan. Makikitang dinukot ng isang sasakyan si Anamelyn kasama ng isang lalaki.

 

Noong 2018, nasa plano ng Department of Interior and Local Government na mag-install ng sampung libong makabagong CCTV sa buong Metro Manila na tinawag nilang Safe Philippines Program. Layunin nitong mapigilan ang paglaganap ng krimen sa bansa. Ang mga CCTV nga ba ang susi sa pagbaba ng krimen? Paano mas mapapaigting ang pagsugpo sa kriminalidad?

 

Abangan ang kwentong ito sa REPORTER’S NOTEBOOK sa Linggo, August 7, 2022 9:15pm sa GTV.



Pagpapakabit ng mas marami at makabagong CCTV, susi nga ba sa pagbaba ng kriminalidad sa bansa?
Source: Philipines News Journal

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment