TAAS: The Atom Araullo Specials: “Anak”, ngayong Linggo sa GMA Network!

2022 NEW YORK FESTIVALS GOLD MEDALIST

Sa ilang lugar sa bansa kung saan hindi pa rin abot ang kaunlaran, ang ilan nating kababayan nagagawang ipamigay ang kanilang anak at kung minsan humahantong diumano sa paglilibing sa kanila nang buhay.
 
Para malaman ang katotohanan sa kuwentong ito, dumayo si Atom Araullo sa ilang liblib na lugar sa bansa.  Kasama ang volunteer health worker na si Mary Jane, tinungo nila ang isang medical mission. Doon nakita nila ang sitwasyon ng mga bata, ang ilan sa kanila ay may kapayatan at may iniindang sakit. Isa sa dumayo roon, si Nanay Tutot, bitbit niya ang kaniyang anak na si Ella. Magdadalawang taong gulang na si Ella pero pang bagong silang na sanggol lang ang kaniyang kasalukuyang timbang. Ayon sa doctor, isa lang si Ella sa kanilang natignang bata sa komunidad na hindi sapat ang timbang sa kanilang edad. 

Samantala, ilang linggo na lang ay manganganak na si Simay pero matapos daw niyang magsilang, nais niyang ipamigay ang sanggol. Hindi na raw nila kayang buhayin ang bata pero hati ang loob dito ng kaniyang asawa. Para sa kaniya, nais niyang palakihin pa ang kanilang anak para may makatulong siya sa bukid balang araw. Ang ilang misyonaryo naman ay nagkanlong ng ilang batang ipinamigay na ng kanilang magulang. Ipinagkatiwala na raw ang mga bata sa kanila dahil hindi na raw sila kayang buhayin sa kabundukan.

Samahan si Atom Araullo na umikot sa ilang lugar sa bansa kung saan nakikipagtuos pa rin ang ilan sa atin sa kalam ng sikmura at paano nga ba masosolusyon ang pagdami ng anak ng ilan nating kababayan? Abangan ang dokumentaryong “Anak” ngayong August 7, 2022 sa The Atom Araullo Specials, 3:30pm-4:40pm sa GMA.

English:

In places where development is still far beyond reach, Filipinos are forced to give their child to other people. There are also stories of babies that were buried.
 
To find out the truth, Atom Araullo embarks on a journey to a remote place in the country.  Mary Jane, a volunteer health worker, takes him on a medical mission. They came across some sick and malnourished children. Tutot carries her daughter, Ella who is two years old, but her current weight is comparable to a newly born baby. The doctor claims Ella is one of the few children in the community who is undernourished.
 
Meanwhile, Simay, an expectant mother, will give birth anytime now. According to her, they can no longer support the baby and she prefers to give the baby to someone else. However, her husband insisted on keeping the baby so that one day he would have a helper on the mountain. 
 
While, some missionaries decide to adopt some of the babies that were given to them by the parents who are unable to take care of them.
 
Join Atom Araullo as he explores some places in the country where hunger may still be a serious issue and discusses possible reproductive health solutions. “The Atom Araullo Specials: Anak” airs on August 7, 2022, 3:30pm-4:40pm on GMA.

 



TAAS: The Atom Araullo Specials: “Anak”, ngayong Linggo sa GMA Network!
Source: Philipines News Journal

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment