I Juander, paano mapasasarap ni Juan ang sardinas?

I JUANDER, PAANO PA MAPASASARAP NI JUAN ANG SARDINAS?

Ngayong lahat na yata ng bilihin, nagmamahal, ang hanap ng maraming Juan, pagkain na pasok sa budget at puwedeng pagsalu-saluhan. Pasok sardinas! Maliban sa straight from the can, ang sardinas, puwede pa palang i-level up ang sarap.

Si Chef RV Manabat na mayroon lang naman 1.3 million subscribers sa kanyang YouTube channel, magshe-share ng sardinas recipes na madali lang gawin, masarap at siyempre swak sa bulsa, ang Sardinas Omelette, Sardines Shanghai at Sardines Spaghetti.

Pero sa bansang Portugal, hindi raw pagkaing masa ang turing sa sardinas kundi “delicacy.” Ang Pilipinong si Jai na halos dalawang taon nang naninirahan doon, dadayuhin ang Porto City na siyang sentro ng industriya ng pagdedelata sa bansa. At isa sa mga canning factory dito, nananatili raw na tradisyunal ang paraan ng pagdedelata. I Juander, paano nga ba naimbento at sino ang nakaisip na gawing delata ang sardinas?

Pero sa Moalboal sa Cebu, hindi lang panlaman tiyan ang sardinas kundi tourist attraction din. Dinarayo ito ng mga gustong masilayan ang tinatawag na sardine run o yung grupo-grupong paglangoy ng napakaraming sardinas bilang proteksyon sa mas malalaking isda. Para sa beginner free diver na si April, ang masilayan ang sardine run ang siyang kukumpleto sa kanyang Moalboal trip.

Samahan sina Susan Enriquez at Mark Salazar ngayong Linggo sa I Juander, 7:45 PM sa GTV. At alamin ang sagot sa tanong ni Juan:

I Juander, paano pa mapasasarap ni Juan ang sardinas?

 

 



I Juander, paano mapasasarap ni Juan ang sardinas?
Source: Philipines News Journal

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment