BRIGADA
Airing Date: July 16, 2022, 8:45pm
LITTLE PEOPLE SA HARDCOURT
Isang koponan ng mga basketbolista ang hinahangaaan ngayon at iniimbitahang maglaro sa iba’t ibang mga barangay sa Kamaynilaan. Bukod sa pagiging batak nila sa hardcourt, kinagigiliwan din ang kanilang bawat laro dahil ang buong team, pawang mga little people. Isa sa kanilang star player si Mario na tinatawag din nilang Sakuragi dahil sa maangas niyang dating kapag hawak ang bola. Makikilaro sa kanila si Chino Gaston kasama ang isang basketball legend na labis ding napahanga ng grupo.
A basketball team is the rave today in various barangays in Manila. Aside from being hustlers in the hardcourt, watching their game is also a treat because this team of little people can definitely make the crowd go wild! One of their star players is Mario who they also call Sakuragi because of his uncanny skills when holding the ball. Chino Gaston plays with the star team together with a basketball legend who is also very impressed by the group’s hardcourt skills.
PINOY IRONMAN
Walang inuurungan ang construction worker na si Rey na hindi lang basta semento, buhangin, at hollow blocks ang kayang kayang buhatin. Gamit ang kanyang panga, sisiw lang daw sa kanya ang paghatak ng iba’t ibang mga sasakyan tulad ng motorsiklo, kotse, jeepney, maging dambuhalang trak at bus! Ang paandar niyang ito, ipino-post niya sa kanyang Youtube channel kung saan mas kilala siya bilang “The Ironman” dahil na rin sa kakaiba niyang talento. Ang taglay niyang lakas ng katawan, ginagamit din daw niya sa tuwing nangangailangan ng mga volunteer sa bayanihan at rescue operations sa tuwing may baha’t sakuna sa kanilang komunidad sa San Mateo, Rizal. Nasaksihan ni Darlene Cay ang pambihirang lakas ni Rey “The Ironman” Acibal.
Construction worker Rey has no qualms about lifting more than just cement, sand, and hollow blocks. Using his jaw, towing various vehicles such as motorcycles, cars, jeepneys, even huge trucks and buses seems effortless! He posts his performances on his Youtube channel where he is better known as “The Ironman” because of his ability. He also uses his physical strength whenever volunteers are needed in bayanihan and rescue operations during floods and disasters in their community in San Mateo, Rizal. Darlene Cay witnesses the extraordinary strength of Rey “The Ironman” Acibal.
RABBIT MEAT!
Sa gitna ng nagtataasang presyo ngayon ng mga bilihin, naghahanap ng alternatibo ang ilan pagdating sa uri ng karneng maaaring kainin. Isa sa mga tinitingnan ngayong mainam na pamalit ang karne ng rabbit o lapan kung tawagin. Bukod sa hindi gaanong malaki ang demand para dito ngayon, masustansya rin daw ito at perfect para sa mga health conscious. Unti-unti na nga rin itong nakikilala ngayon, kagaya na lang sa isang karinderya sa Sta. Maria, Bulacan na dinayo ni Katrina Son kung saan ang mga bidang putahe, adobo, papaitan, at crispy fried rabbit meat!
In the midst of today’s rising prices of commodities, some are looking for meat alternatives. One of the better substitutes is rabbit meat or lapan as it is locally called. Apart from the fact that the demand for it is still few, it is also said to be nutritious and perfect for the health conscious. Katrina Son visits an eatery in Sta. Maria, Bulacan where the bestsellers are adobo, papaitan, and crispy fried rabbit meat!
Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Sabado, 8:45 ng gabi, sa iisang Brigada sa GTV.
Join award-winning and homegrown Brigada Siete journalist Kara David as she shares new stories, new perspectives, and the rundown on the latest issues in society together with a new generation of reporters this Saturday, 8:45pm in Brigada on GTV.#
Mga ‘little people” sa hardcourt, itatampok ng Brigada!
Source: Philipines News Journal
0 comments :
Post a Comment