I Juander, kailan ka huling umiyak?

I JUANDER

Kailan ka huling umiyak?

It’s okay not to be okay, ika nga.

Nabigo sa pag ibig? Pagod na sa trabaho? Ano man ang rason, palaging tatandaan na okay lang umiyak.

Ang pag-iyak, hindi pagpapakita ng kahinaan kundi paglalabas ng natatagong emosyon. At sa bawat patak ng luha ni Juan, may kaakibat na kuwento.          

Alamin ang sining ng pag-iyak. Sisilip tayo sa trabaho ng mga artista at mga taga-teatro na ginagawang sining at talento ang pag-iyak. I Juander ano at paano ng ba mag-internalize sa mga eksena?

Tuturuan tayo ng batikang aktres na si Andrea Del Rosario. Ibabahagi ni Andrea kung paano niya pinaghahandaan ang bawat role lalo na ang pag-iyak. Abangan rin kung paano turuan ni Andrea ang ating mga host na sina Susan Enriquez at Mark Salazar kung paano umiyak habang nakikipag batuhan nang mabibigat na linya.

Isang social experiment rin ang ating isinagawa. Dibdiban nating tinanong ang ating mga ka-Juander kung, ‘Kailan ka huling umiyak at bakit?’.

Sa social experiment rin natin nakilala si “Stephanie”. Wala nang mas sasakit pa para kay “Stephanie” noong nakita raw ng kanyang anak ang ama nito na may kasama nang ibang pamilya. Mula noon, bigla-bigla na lang daw siyang naiiyak. Sa mga kagaya ni “Stephanie” na may mabigat na pinagdadaanan, ano nga ba ang makatutulong sa kanila?

At para naman sa mga marahil gusto lang mapag-isa at makapagmuni-muni, saan nga ba sila puwedeng pumasyal para makapaglabas ng kanilang nararamdaman?

Sabay-sabay tayong maiyak at alamin ang iba’t ibang kwento sa likod ng mga pag-iyak sa bayan ni Juan, samahan sina Susan Enriquez at Mark Salazar sa ika-sampu ng Hulyo, Linggo, 7:45 ng gabi sa GTV!

 



I Juander, kailan ka huling umiyak?
Source: Philipines News Journal

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment