‘Todo Biyahe’, ngayong Linggo sa Reporter’s Notebook

 

 

TODO BIYAHE

LINGGO / 9:15PM SA GTV

 

 

Ang mga jeepney ang binansagang “hari ng kalsada” pero ngayon, nahaharap sila sa matinding pagsubok dahil na rin sa tila walang prenong pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

 

Ang ilang driver tulad nina Mang Francis Manuyang at Joel Lopez, bawas na ang biyahe, bawas din ang kita.

 

Mula noong pumasok ang 2022, dalawampu’t apat na beses nang nagtaas ang presyo ng produktong petrolyo. Kung noong January 2022 nasa 64.58 pesos ang kada litro ng gasolina, ngayong June 2022 ay pumapalo na ito sa 88.33 pesos kada litro. Ang diesel naman na nasa 54.20 pesos kada litro noong Enero ay mabibili na sa 88.15 pesos kada litro ngayong Hunyo. Sa ibang lugar, umabot na ito ng higit 90 pesos.

Ano nga ba ang dahilan ng walang prenong pagtaas nito? At ano ang tulong na pwedeng maibigay sa mga naapektuhang driver?

 

MERYENDA NI MAMANG

 

 

Matamis ang mga ngiti ni Nanay Concepcion Aglinao o mas kilala sa tawag na Mamang, 82 years old sa bawat bumibili sa kanya, bagay na bagay sa inilalako niyang banana cue at kamote cue.

 

 

 

Animnapu’t limang taon nang nagtitinda dito sa  escolta si Mamang.  Pero ang kanyang  matatamis na ngiti, unti-unting tumatabang dahil sa mahal ng mga bilihin lalo na ang pangunahing sangkap sa mga itinitinda niya—ang asukal.

 

 

Kung noong 2020 o bago mag-pandemic nasa 40 pesos ang kada kilo ng asukal, ngayon doble na ito sa halagang 80 pesos.

 

 

 

Asukal din ang isa sa mga pangunahing sangkap ng  mga tinapay at pastries ng panaderyang ito dito sa Quezon City. Malaki raw ang epekto ng pagtaas ng presyo ng asukal para sa mga gaya nilang micro small and medium enterprises o MSMEs. 99.5% ng mga negosyo sa bansa, kabilang sa MSMEs.

 

 

 

Alam nyo ba na simula noong taong 1755, nag-e-export na tayo ng asukal sa iba’t-ibang mga bansa. Minsan na rin tayong naging top sugar producer sa Southeast Asia pero noong nakaraang taon, pansamantalang ipinahinto ang pag-export natin ng asukal. Kinailangan na rin nating mag-import ng asukal dahil sa pagbaba ng produksyon nito sa bansa. Tanong ng mga negosyante, ano nga ba ang dahilan nito at bakit patuloy ang pagtaas ng presyo ng asukal?

Abangan ang mga kwentong ito sa REPORTER’S NOTEBOOK sa Linggo, JUNE 26, 2022 9:15pm sa GTV.



‘Todo Biyahe’, ngayong Linggo sa Reporter’s Notebook
Source: Philipines News Journal

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment