BRIGADA
Episode for May 7, 2022
LET’S VOTE IN!
Ilang tulog na lang, Eleksyon 2022 na! Ito ang kauna-unahang national elections na gaganapin sa gitna ng pandemya sa Pilipinas. Kaya naman, may dagdag na alituntunin at proseso ang ating pagboto. Handa na nga ba tayo? Kapag may lagnat o sintomas ng sakit, makaboboto pa rin ba? Paano naman kung deactivated ang inyong pangalan? Sabay sabay tayong mag-review, sa ulat ni Oscar Oida.
How prepared are we for the first national elections during the pandemic in the Philippines? Are voters sufficiently informed of what to do, and what not to do? What measures are needed to ensure an election that is not only peaceful but safe and worry free in these times? Oscar Oida investigates.
PASADO!
Panoorin ang kwento ng bar passer na si Irene, na apat na beses napagtagumpayan ang pakikipaglaban sa sakit na cancer, at ngayo’y ganap nang abogado. Kilalanin din si Merlie, na nakipagbuno sa COVID 19 at sa sakit sa puso, sa edad na animnapu’t walo. Dati rin siyang sumailalim sa kidney transplant, pero ngayon, abogado na rin! Ang mga inspiring na kwento ng mga pasado sa bar exams sa kabila ng maraming pagsubok, hatid ni Lala Roque.
Prepare to be inspired by the stories of Irene and Merlie, who triumphed over their medical challenges and successfully passed the 2020/2021 bar exams. Irene battled cancer four times – and won – while Merlie, who underwent a kidney transplant several years ago, battled COVID 19 and a heart condition, all while studying for the bar exams. Lala Roque reports.
TULI OR NOT TULI – SIYENSIYA O PANINIWALA?
Para sa mga kabataang lalaki sa Pilipinas, kasabay ng tag-init ang kinatatakutang parte ng kanilang pagbibinata – ang pagpapatuli. Pero para kay “James,” na lampas bente anyos na nang magpatuli, hindi lang ito “rite of passage” kundi sagot sa mga kumukutya sa kaniya noong hindi pa siya tuli – kabilang ang babaeng nakipaghiwalay daw sa kaniya dahil dito. Dahil ba nakaugalian at tradisyon na, kaya nagpapatuli ang mga kabataang lalaki? Gaano nga ba kahalaga ito, kung siyensiya naman ang tatanungin? Panoorin ang ulat ni Chino Gaston.
For most elementary level Filipino boys, summertime ushers in their dreaded rite of passage – that of circumcision! But for James, who got circumcised in his 20s, it is a remedy to the taunting he received as young uncircumcised boy and subsequent heartbreak in his older years. How much of this practice is rooted in tradition, and how much is medically sound? Chino Gaston reports.
Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Sabado, 9:45 ng gabi, sa iisang Brigada sa GTV.
Join award-winning and homegrown Brigada Siete journalist Kara David as she shares new stories, new perspectives, and the rundown on the latest issues in society together with a new generation of reporters this Saturday, 9:45pm in Brigada on GTV.
Iba”t ibang kaalaman tungkol sa #eLeksyon2022, itatampok sa Brigada!
Source: Philipines News Journal
0 comments :
Post a Comment