I Juander, ano-ano ang mga tradisyunal na minatamis sa loob at labas ng bayan ni Juan?
Ang Pilipinas ang ikasiyam na pinaka malaking producer ng asukal sa mundo. Kaya naman hindi nakapagtataka kung bakit mahilig si Juan sa mga matatamis na pagkain.
Ngayong linggo, dadayo tayo sa mga probinsya na sagana sa asukal at titikman ang kanilang mga tradisyunal na sugar candy. Kilalanin din ang mga Ka- Juander nating naninirahan sa ibang bansa at ang katumbas na bersyon at tradisyunal na minatamis na candy nila.
Sa Sta. Maria Ilocos Sur, kilala ang Balicucha na gawa sa tubo. Ang balicucha ay kadalasan hinahalo sa kape bilang alternatibong asukal ng mga matatanda at madalas kinakain naman bilang kendi ng mga bata.
Sa bansang Taiwan naman meron silang tradisyunal na sugarcane candy na tinatawag nilang Scallion Candy na katulad daw ng balicucha natin.
Sasamahan tayong gumala sa Taiwan ng ka-Juander nating si Eden para tikman ang mga candy na mahahalintulad sa mga minatamis dito sa Pilipinas.
Hindi lang sa Taiwan pero ang mga paborito rin na matamis na panghimagas ni Juan may katumbas sa Finland. Ang Ka-Juander natin na si Azelle, sasamahan tayong tuklasin ang “Mammi”. Hindi ito ang paborito nating pampainit, ito raw ang tradisyunal na minatamis sa Finland.
Pero ang sobrang pagkain ng matamis ay nakasasama sa atin. Kaya alamin kung paano makakaiwas sa iba’t ibang sakit, at alamin ang mga alternatibo para sa asukal. Dadayuhin natin ang kauna-unahang Stevia Farm sa bayan ni Juan na matatagpuan sa Bulacan, at tikman ang mga putaheng gawa dito.
Ngayong linggo, isang mala-sugar rush ang inyong mapapanood kasama si Susan Enriquez and Mark Salazar, 7:45 ng gabi, sa I Juander!
ENGLISH:
This Sunday on I Juander, we will go to the different provinces in the Philippines known to be rich in sugar, to taste their traditional sugar candies. We will also visit our Ka- Juanders living abroad and find out their version of traditional sweetened candy.
I Juander, ano-ano ang mga tradisyunal na minatamis sa loob at labas ng bayan ni Juan?
Source: Philipines News Journal
0 comments :
Post a Comment