I-WITNESS
“Libingan ng Alaala”
(Tomb of Memories)
Host: Howie Severino
Airing: April 23, 2022
Sa gitna ng isa sa pinakalumang sementeryo sa Kalakhang Maynila, nakahimlay ang isang misteryosong Espanyol. Dahil sa isang Facebook post, nalaman kung sino ang Kastilang iyon at natunton siya ng kaniyang pamilya na matagal nang naghahanap sa kaniya.
Unti-unting mabubunyag ang naging buhay at kuwento ng Espanyol na iyon sa Pilipinas.
Isa lang ito sa mga natuklasan ni Howie Severino sa kaniyang pagbisita sa La Loma Cemetery. Kasalukuyang inaayos ang daantaong gulang na simbahan ng sementeryo para maibalik ito sa dati nitong ganda.
Matutuklasan din nila ang isang liham na nakaukit sa lapida para sa isang musmos mula sa kaniyang ama. Dito rin ang naging huling hantungan ng isang binata na nakilala ng buong bansa dahil sa marahas na paraan ng kaniyang pagkamatay.
Huwag palalampasin ang dokumentaryong “Libingan ng Alaala” ngayong Sabado sa I-Witness, April 23, 2022, 10:30pm sa GMA.
ENGLISH VERSION
Amid the overgrown vegetation in one of Manila’s oldest cemeteries are the bust and grave of a dignified Spanish man.
Posted by a visitor on Facebook, a picture of the bust is seen by the dead man’s European descendants who had long wondered whatever happened to him.
His secret life in the Philippines is uncovered in the I-Witness documentary “Libingan ng Alaala (Tomb of Memories).”
It was only one of the mysteries in La Loma cemetery that Howie Severino and his team stumbled upon when they checked out the restoration of the cemetery’s historic church.
They also discover an anguished letter etched in stone from a father to his seven-year-old son and the remains of a teenager whose recent killing shocked the nation.
Don’t miss the documentary “Libingan ng Alaala” this Saturday in I-Witness, April 23, 2022, 10:30 pm on GMA.#
‘Libingan ng Alaala’, dokumentaryo ni Howie Severino, ngayong Sabado sa ‘I-Witness’
Source: Philipines News Journal
0 comments :
Post a Comment