“Kababalaghan sa Katubigan”
April 03, 2022
Bilang archipelago na binubuo ng mahigit pitong libong isla sa bansa, mayaman ang bayan ni Juan sa anyong tubig. Mula sa dagat, ilog, lawa at mga talon kumpleto ang ating bansa. Pero ang mga magagandang katubigan na ito, may itinatago nga bang mga kababalaghan? Samahan ang ating mga Ka Juander na tuklasin ang mga sikreto ng mga anyong tubig sa Pilipinas.
Ang Tinuy An Falls ay tinawag na Niagara Falls ng Pilipinas sa dahilang isa ito sa pinaka malawak na talon sa Pilipinas. Ang talon ay makikita sa Brgy. Borboanan sa Bislig City.
Pero nakadagdag daw sa ganda ng talon ay ang rainbow na nakikita rito tuwing umaga. At ang kwento-kwento dito raw kasi nakatira ang isang diwata.
Samantala, ang ating ka-Juander na si Mik, na taga Caramoan, Camarines Sur, ipapakita raw sa atin ang mga “Enchanted Bangus” sa Matukad Island.
Maliban sa maputi at maala-pulbos na buhangin, kilala ang Matukad Island dahil sa kanilang lagoon. Ngunit sa kabila ng kagandahang ito, mahiwaga diumanong maituturing din ang lagoon dahil sa dalawang misteryosong milkfish o bangus.
Ayon sa kwento na may isang buong pamilya raw ang namatay dahil sa pag-kain ng misteryosong bangus. At isa si Aling Carmelina na naging saksi dito at naniniwalang naging alay ang kanyang anak dahil sa pag-patay ng bangus.
Ang Lake Sebu ng South Cotabato, ay isa sa mga pangunahing irigasyon at top tourist destinations ng SOCCSKSARGEN Region. Pero para sa ating mga kapatid na T’boli, itinuturing nila itong sagrado at may malaking kontribusyon sa kanilang pagkakakilanlan. Ayon sa mga T’boli nabuo raw ang lawa dahil sa isang prinsesa, at palaka?
Ang mga misteryosong kwento ng ating katubigan, mapapanood ngayong Linggo dito lang sa I Juander 7:45 ng gabi sa GTV.
Kababalaghan sa katubigan, tampok sa IJuander!
Source: Philipines News Journal
0 comments :
Post a Comment