DAHAS SA TAHANAN
LINGGO / 9:15PM SA GTV
Sa isang cellphone video, makikita ang makailang beses na paghampas ng isang lalaki sa mukha at ulo ng isang babae. Maririnig ding umiiyak at umaawat ang dalawang batang babae. Ano ang puno’t dulo ng alitan ng dalawa?
Mag-asawa ang nasa video na itinago namin sa pangalang Maria at Juan. Nangyari ang pananakit sa loob mismo ng kanilang bahay. Kwento ni Maria, nag-ugat sa pandesal ang away nilang mag-asawa.
Sa isa pang video na ibinigay sa amin ni Maria na nakunan nitong February 23, 2022, makikitang pinaghahahampas si Maria ni Juan. Ang dahilan naman daw ng away nila, mga naiwang hugasin.
Ang karahasan at pang-aabuso sa pagitan ng magkakarelasyon, pwedeng mauwi sa mas malagim na insidente tulad ng nangyari sa pamilya ni Anna Marie Baluno. Nitong lang March 18, isang lalaki ang walang habas na namaril sa kanilang lugar sa Fairview, Quezon City. Tatlong kaanak ni Anna ang tinamaan ng bala. Makaligtas kaya sila mula sa bingit ng panganib at ano ang motibo ng suspek sa krimen?
TASTE OF INDIA
Patok na patok ngayon online ang ilang street food sa India dahil sa kakaibang paraan kung paano ito inihahanda. Pero ngayon, matiktikman na rin ang level up Indian cuisine dito sa bansa.
Sa Quezon City, matatagpuan ang isang Indian restaurant na binabalik-balikan. Ang kanilang specialties, biryani chicken, onion pakora, naan bread, samosa at biryani mutton. Ang biryani mutton ay mula sa karne ng tupa na niluluto at pinapalambot ng halos isang oras. Mahigit isang dosenang Indian spices ang ginagamit sa pagluluto nito.
Dating manager sa isang operation center sa Abu Dhabi si Richard. Pero noong nagka pandemic, isa ang pinapasukan niyang kumpanya sa naapektuhan ng lockdown kaya naisipan niyang umuwi na lang ng Pilipinas at magsimula ng negosyo
Pero ang mas ikinatuwa ni Richard, nakapagbigay siya ng bagong oportunidad at trabaho sa mga kagaya niyang naapektuhan ng pandemya. Ngayon, mayroon na silang labingwalong empleyado.
Dating namang chef sa Saudi si Rex Reyes. Tulad ni Richard, nakapagtayo rin siya ng isang food business sa Bulacan. Ang binibida naman niya, shawarma na sakay-sakay ng kanyang rolling store!
Ngayon, kumikita siya ng eight to ten thousand per day. Mayroon na rin siyang anim na empleyado.
Mula 2020, nasa mahigit 4.2 milyon na ang nawalan ng trabaho dahil sa mga nagsarang negosyo at kumpanya. Kaya malaking bagay para sa mga tauhan nina Richard at Rex ang pagbubukas ng kanilang mga kainan.
Abangan ang mga kwentong ito sa Reporter’s Notebook sa bago nitong araw Linggo, April 3, 2022 9:15pm sa GTV.
‘Dahas sa Tahanan’ at ‘Taste of India,’ ngayong Linggo sa Reporter’s Notebook
Source: Philipines News Journal
0 comments :
Post a Comment