New Year adventure in Camarines Norte!

BIYAHE NI DREW: TRAVEL GOALS SA CAMARINES NORTE
Sunday, January 9, 2022
8:30 PM GTV

Sabay-sabay tayong mag-mine sa ating mga travel goals ngayong 2022! Ibabahagi ni Biyahero Drew ang kanyang mga biya-hula para sa mga kapwa biyahero. At swak na swak ang mga ito sa probinsiya ng Camarines Norte.

 

 

Siyempre, doon muna tayo kung saan tuloy-tuloy ang agos ng good vibes at happiness. Ipinagmamalaki ng Camarines Norte ang kanilang Hagimit Falls kung saan ipinangalan ito sa napakaraming puno ng hagimit sa lugar.

 

 

Para naman sa mga may hinaharap na pagsubok, laban lang! Parang sa mga adventure lang kagaya ng cliffjumping at swing sa Apad Resort. Siguradong mapapasabak kayo pero sulit naman sa ganda ng mga tanawin.

 

 

 

Kung love life naman ang minimithi, nariyan ang tinatawag na Mag-asawang Bato. Kuwento ng mga lokal na simbolo ang tanawing ito ng true love!

 

 

At kapag nasa Bicol, hindi natin palalampasin matikman ang kilalang putahe nito na laing. Pero kakaibang laing ang matitikman ng ating Biyahero Correspondent. Laing, with a twist! Mayroon pang nakahain na tuna latik at Bicol express.

 

 

 

Sinasabi rin na swerte ang pinya kung saan marami ito sa Camarines Norte. Alamin ang pinya dishes na ibabahagi ni Biyahero Drew!

 

 

 

Mine na ng travel goals sa Camarines Norte sa Biyahe ni Drew sa Linggo, 8:30PM sa GTV.

 

—– 

Biyahe ni Drew welcomes the new year with various travel goals. Apad Resort gives adventure seekers cliffjumping. Meanwhile, enjoy the cool and refreshing waters of Hagimit Falls. Lastly, indulge in Bicolano dishes such as laing bites, tuna latik and sinigang na baboy sa pinya.



New Year adventure in Camarines Norte!
Source: Philipines News Journal

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment