I Juander, ano-ano ang mga kakaibang pagkaing pampainit sa loob at labas ng bayan ni Juan?

I JUANDER, ANO-ANO ANG MGA KAKAIBANG PAGKAING PAMPAINIT SA LOOB AT LABAS NG BAYAN NI JUAN?

Para sa mga naghahanap ng pangontra sa malamig na panahon, bakit hindi subukan ang mga kakaibang pagkaing pampainit na matitikman sa loob at labas ng bayan ni Juan.

 

 

Sa Benguet kung saan all-year round ang malamig na klima, mayroon tinatawag na “watwat” na siyang titikman ng proud Igorot at vlogger na si Mamshie Jen. I Juander, saan ba gawa ang putaheng ito na siyang tradisyunal na pampainit ng sikmura ng mga taga-Cordillera?

Sa Finland kung saan -20 degrees lang naman ang temperatura, mayroon silang tradisyunal Finnish soup na kung tawagin, “Mykyrokka.” May sahog itong beef blood dumpling, pork liver at pork kidney. Pero ang Caviteno chef na si Herbert na labingisang taon nang naninirahan sa Finland, iluluto ito with a Pinoy twist.

Sa Indonesia naman, matitikman ang pinaka maanghang na noodle soup hindi lang sa kanilang bansa kundi sa buong mundo. Ang pampainit na ito, kayanin kaya ng Pinoy vlogger na si Wendy?

Sa Buagsong, Cordova, Cebu nakilala ang mangingisda at street vendor na si Mang Entoy Escabar.   Siya ang may-ari ng Mang Entoy’s Bakasihan sa Cordova, Cebu.  Ang bida sa kanyang kainan, “Nilarang na Bakasi” (tiger eel stew) na tinatawag sa kanilang lugar na “Viagra ng mga Cebuano”.

May pangtapat ang Bakasi ng Cebu ang bansang China. Mayroon silang tinatawag na “geoduck”, isang seafood delicacy na ang hugis, maihahambing daw sa ari ng lalaki. I Juander, may siyentipikong basihan nga ba sa likod ng mga pagkaing itinuturing na aphrodisiac?

Samahan sina Susan Enriquez at Mark Salazar ngayong Linggo sa I Juander 7:45 PM sa GMA News TV. At alamin ang sagot sa tanong ni Juan:

I Juander, ano-ano ang mga kakaibang pagkaing pampainit sa loob at labas ng bayan ni Juan?



I Juander, ano-ano ang mga kakaibang pagkaing pampainit sa loob at labas ng bayan ni Juan?
Source: Philipines News Journal

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment