KUNA NI KATHERINE
JANUARY 6, 2022 / 10:30AM SA GTV
Sa Kananga, Leyte, isang bata na itatago namin sa pangalang Katherine ang inilalagay sa isang maliit na silid na tila may rehas. Sa edad na pito, hindi nakakapagsalita si Katherine. May mga pagkakataong nagwawala raw ito sa hindi malamang kadahilanan.
Ano nga ba ang kondisyon ni Katherine at bakit siya kailangang ilagay sa isang mistulang kulungang kuna?
CAFÉ ESPESYAL
Matapos ang halos dalawang taon na pagsasara, muling magbubukas ang coffee shop na ito sa Quezon City. Hindi lang daw mga kape ang espesyal sa kapehang ito, dahil ang mga empleyado tulad ni Joy Sarsua, dalawampu’t isang taong gulang ay mga espesyal din. May cerebral palsy si Joy.
2019 nang matanggap bilang cashier at barista sa café si Joy. Nang magsara ang coffee shop dahil sa pandemya, ramdam na ramdam daw nila ang hirap. Kaya sa pagbubukas nito, muli silang nabigyan ng pag-asa. Ang motibasyon ni Joy sa pagtatrabaho, matulungan ang pamilya at matustusan ang kanyang pag-aaral.
Malaking bagay para kay Joy ang ginagawa ng coffee shop na ito dahil hanggang ngayon ay limitado pa lang din ang oportunidad para sa mga PWD. Nakasaad sa Magna Carta for Persons with Disability na lahat ng government agencies ay dapat mag-reserve ng 1% ng employment para sa mga PWD. Ang mga pribadong kumpanya naman na may 100 employees ay hinihikayat na maglaan din ng 1% ng kabuuang employment nila para sa mga PWD.
Abangan ang mga kwentong sa Reporter’s Notebook ngayong Huwebes, January 6, 2022 10:30 am sa GTV bago mag-Balitanghali.
Ano-ano ang oportunidad para sa mga PWD sa ating bansa?
Source: Philipines News Journal
0 comments :
Post a Comment