GALA SA GITNA NG PANDEMYA
Buong taon pa ring nanatili ang Covid sa buong mundo, kaya naman naging limitado pa rin ang galaw ng mga tao. Pero para sa mga Pilipino na malaki ang nakadepende sa turismo, nagawan ng paraan na makabiyahe at makapasyal pa rin ang ng ligtas ating mga kababayan kahit nasa gitna ng pandemya. Balikan natin ang ilan sa mga lugar na pinasyalan ng ating mga ka-Brigada ngayong taon.
TAWANAN NATIN ANG PROBLEMA
Ilang beses nang napatunayan nating mga Pilipino na sa gitna ng trahedya, malaking tulong ang naibibigay ng pagiging masayahin. Ganito ang diskarte ng ilan sa mga nakilala nating ka-Brigada na sa pamamagitan ng pagpo-post ng mga nakakatawa nilang hirit online, ay nakapagbabahagi rin ng good vibes sa buong mundo kahit tayo’y nasa gitna ng pagsubok dala ng pandemya.
PAGSUBOK NG MGA SIKAT
Bago pa man marating ng mga tinitingala nating celebrities ang tinatamasa nila ngayong tagumpay, matitinding pagsubok muna ang kanilang pinagdaanan. At kahit ngayong nasa tuktok sila ng kanilang karera, gaya din natin silang nakararanas din ng mga problemang sumusubok sa kanilang katatagan. Muli nating sariwain ang ilan sa mga tinutukan nating kuwento ng matagumpay ngayong mga celebrities.
Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Sabado, 9:50 ng gabi, sa iisang Brigada sa GTV.
Mga swak na galaan ngayong Pasko, itatampok sa Brigada!
Source: Philipines News Journal
0 comments :
Post a Comment