Sa loob ng isang taon na paglilibot sa loob at labas ng bayan ni Juan, marami tayong nadiskubreng mga kaalaman. Ngayong linggo, balikan natin muli ang ilan sa mga natatanging kwento ng ating mga ka-Juander.
Imbis na tikman ang mga sikat na pagkain ng South Korea, sinubukan natin ang kanilang mga kakaibang putahe. Una na riyan ang gaebul, na dahil sa kakaibang hitsura at hugis, tinatawag ding penis fish. Kung hilaw na pagkain naman ang usapan, dapat na tikman ang san-nakji o ang pugita na kakainin habang gumagalaw-galaw at buhay pa.
Mula South Korea, dinayo rin natin ang tinaguriang Thunder Dragon ng Asya, ang bansang Bhutan. Ipapasyal tayo ng ka-Juander nating si Loven na kabilang sa apat na Pinoy na naninirahan doon. Dadalhin niya tayo sa Garden of Phallus na punong puno ng mga imahe ng ari ng lalaki na pinaniniwalaan nilang nagbibigay daw ng swerte?
Babalikan din natin ang natatanging pampalasa sa bayan ni Juan na matatagpuan sa Lanao del Sur. Ang nagpapa-espesyal dito, pinagsasama-sama ang samu’t saring pampalasa para mabuo ito, ang palapa. Kadalasan itong ginagamit sa Piaparan na isang native na lutong Maranao.
Mawawala ba naman ang naging matunog na usapan sa social media, ang pagkakaroon ng standard recipe ng adobo? Ang pinagmulan ng paboritong putahe ni Juan, susubukang lutuin ng food historian na si Chef Chris Carangian. Pero ang kauna-unahang recipe ng adobo, walang toyo?
Lahat ng ito sa year-end special ng I Juander, Linggo 7:45PM sa GTV.
ENGLISH SYNOPSIS:
It has been another year of exploring and experiencing different cultures and traditions, not just in the Philippines, but also abroad. Join Susan Enriquez and Mark Salazar, as they look back at some of the memorable stories that was featured on I Juander this year, on GTV, Sunday at 7:45 PM.
Juanderful stories sa loob at labas ng bayan ni Juan!
Source: Philipines News Journal
0 comments :
Post a Comment