SUPER TWINS
Nagsimulang mag-vlog ang kambal na sina Suejin at Saijin Hilario sa edad na walo. Ipinamamalas nila sa kanilang videos ang talent nila sa acting, singing, at dancing. Sa kanilang 13th birthday ngayong buwan ay magkakaroon din sila ng charity works para sa mga batang may special needs.
Pangarap ng kambal na maging dokumentarista o kaya ay news reporter. Abangan ang hamon nina Oscar Oida at Mav Gonzales sa kanila.
PORTRAIT OF LOVE
Umantig sa puso ng mga netizen ang kwento sa likod ng mother and child painting na ginawa ng hyperrealistic artist na si Mark Matthew Manalo.
Anon nga ba ang hyperrealism art? Ituturo ni Mark Matthew ang proseso sa paggawa nito.
MY DREAM STUDIO
Ikukwento ng online seller na si Charlene Lacsamana kung paano natupad ang pangarap niyang studio para sa pagbebenta niya ng mga damit. Mag-isang itinayo ito ng kaniyang ama.
ON RECORD REWIND: TRUMPO CHALLENGE
Kinagiliwan ng netizens ang TikTok video ng 89-year-old na si Lola Rebecca Osados. Tinuturuan niyang maglaro ng trumpo ang kaniyang tatlong taong gulang na apo sa tuhod.
Ang mga idol natin sa pagbabalita na sina Arnold “Igan” Clavio at Atom Araullo ay magpapakitang gilas sa paglalaro ng trumpo.
Abangan ang mga kuwentong uukit ng ngiti at kukurot sa inyong puso sa On Record kasama sina Oscar Oida at Mav Gonzales ngayong Martes, 10:30 AM, sa GTV.
ENGLISH VERSION
Thirteen-year-old twins Sujin and Saijin Hilario use Facebook and Youtube to showcase their talent, including dancing, singing, and acting. They also set out fundraising drives to benefit other children with special needs.
Meanwhile, artist Mark Matthew Manalo will teach young viewers to create hyperrealistic drawings.
Charlene Lacsamana designed her dream studio for the merchandise she sells online. Get a glimpse of the two-story studio, which was custom-built by her dad.
Catch On Record every Tuesday at 10:30 AM on GTV.
Super twins na sina Suejin at Saijin, kilalanin sa On Record!
Source: Philipines News Journal
0 comments :
Post a Comment