Sawsawan, pancit at itik business, bibida ngayong Sabado sa ‘Pera Paraan’

 

PERA PARAAN
November 6, 2021

Maniniwala ba kayo na sa puhunang 5,000 pesos ay puwede kayong magtayo ng isang matagumpay na negosyo? Alamin ngayong Sabado!

Ang simpleng fishball sauce ni Momshie Tin ang nagdala ng swerte sa kanya ngayong pandemiya. Five thousand pesos ang naging puhunan niya para sa negosyong ito. Akalain niyong pagkatapos ng isang linggo ay kumita na siya ng sampung libo? At, hindi lang para sa street food ang sawsawan niya, puwedeng-puwede pa sa iba’t ibang pritong pagkain!

 

 

Ang pancitan naman ni Mariechie, hatid ang pancit batil patong na nagmumula sa Tuguegarao, Cagayan. Isang masabaw, malasa at masahog na pancit ang bida sa anim na taon nang kainang na nagsimula sa five thousand pesos na puhunan din.

 

 

Para naman sa mga mahilig sa hayop, alam n’yo ba kung ano ang pagkakaiba ng pato, itik at bibe? Malalaman natin iyan sa mga negosyante na ang mga ito ang piniling bida sa kanilang mga negosyo. Kagaya lamang ni Romuel na isang agriculture student na nag-aalaga at nagbebenta ng pato. Huwag ismolin dahil mayroon na siyang naipundar na bahay!

Kaya laging tandaan, pera lang iyan, kayang-kayang gawan ng paraan! Abangan iyan sa bago nating time slot tuwing Sabado 10:45 ng umaga sa GMA!



Sawsawan, pancit at itik business, bibida ngayong Sabado sa ‘Pera Paraan’
Source: Philipines News Journal

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment