Umaarangkadang negosyo, lechon pa more at tamis treats sa Pera Paraan!

 

Umaarangkadang negosyo, lechon pa more at tamis treats sa Pera Paraan!

10:45 AM, Saturday, GMA-7

 

Mga Kapuso, heto ang mga paandar na negosyo sa una nating episode ng Pera Paraan sa GMA!

Sa tuwing may handaan, laging present ang lechon. Pero sinong mag-aakala na ang lechon ay puwedeng maging bida sa iba’t ibang putahe? Kasama ang komedyanteng si Boobsie, lalantakan natin ang iba’t ibang lechon dishes katulad ng lechon pansit, lechon sinigang at lechon pinakbet. Nariyan pa ang putok batok na lechon belly pares!

Mula sa paborito ng lahat, doon naman tayo sa mga paborito nating matatamis na treats. Isang negosyante sa Laguna, ginawang cartoons, animals at mala-cake style ang alam nating simpleng matamis na merengue! Ang puto seko naman, binigyan ng iba’t ibang flavor ni Clariza. Nagsimula siya sa puhunang 250 pesos at ngayo’y kumikita na ng 25,000 pesos kada buwan. Kay tamis nga naman ng buhay!

Nagbigay tamis naman sa buhay ng mag-asawang JR at Via ng Daet, Camarines Norte ang kanilang food truck business. Patok sa mga bata at bata at heart ang kanilang instagrammable na double decker food truck. Pero ang pinaka-winner ay ang kanilang authentic Bicolano cuisine.

Kaya laging tandaan, pera lang iyan, kayang-kayang gawan ng paraan! Abangan iyan sa bago nating time slot tuwing Sabado 10:45 ng umaga sa GMA!

ENGLISH SYNOPSIS

Discover the many, many more dishes one can create with the roasted pig. Or how about the twists entrepreneurs can make to childhood favorite treats puto seko and merengue? Last but not the least, food trucks are in for these businesses based in Bicol and Iloilo.



Umaarangkadang negosyo, lechon pa more at tamis treats sa Pera Paraan!
Source: Philipines News Journal

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment