Dedication kakanin at iba’t ibang bangus dishes, tampok sa ‘Pera Paraan’ ngayong Sabado!

 

PERA PARAAN
October 30, 2021

Isang Sabado uli na punong-puno ng mga aral at nakatutuwang mga kuwento ang hatid ng Pera Paraan!

 

One thousand pesos! Iyan lang ang kinailangan ni Carlyn na puhunan para sa kakaning business ng kanilang pamilya. Sa pamamagitan ng social media marketing, unti-unting sumikat ang kanilang negosyo kaya ngayon umaabot na ng halos 120,000 pesos ang kita kada buwan! Nariyan din sina Rachel at Nerissa kung saan ang nakuhang ayuda ang ginawang puhunan para sa kanilang dedication kakanin business. Alamin ang kahanga-hangang kuwento nila!
 

 

Ibang klase rin ang bangus! Maliban sa alam nating karaniwang luto, akalain niyong marami pa palang iba? Nariyan ang inihaw boneless bangus sa gata, cheesy baked boneless bangus, relyenong bangus at mga bottled bangus. At si Susan, may ibabahaging sariling recipe ng isang katakam-takam na bangus dish.

 

 

Samantala sa Nueva Ecija, may dalawang negosyo na magkaiba man ang diskarte, pareho namang nagtagumpay. Para sa Luz Kitchenette, na nagsimula sa puhunang 500 pesos noong 1979, pagiging simple ng kanilang mga ulam ang naging susi sa matagal na nilang kainan. Para naman kay Jay R at ang kanyang fried ice cream shop, ang pagsabay niya sa uso at pagpapaganda nito lalo ang nagdala sa kanya ng swerte.

Kaya laging tandaan, pera lang iyan, kayang-kayang gawan ng paraan! Abangan iyan sa bago nating time slot tuwing Sabado 10:45 ng umaga sa GMA!



Dedication kakanin at iba’t ibang bangus dishes, tampok sa ‘Pera Paraan’ ngayong Sabado!
Source: Philipines News Journal

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment