Biyahero Drew experiences the best of both worlds this Sunday night!

BIYAHE NI DREW: Balanseng Biyahe sa Santa Catalina, Negros Oriental
Sunday, October 24, 2021
8:30 PM GTV

Muling raratsada ang Biyahe ni Drew sa bago nitong timeslot! Sa Linggo, samahan si Drew Arellano sa Santa Catalina, Negros Oriental para sa isang biyaheng tamang-tama at balanse lang.

 

 

Umpisa pa lang ng biyahe, kainan na. Ang unang patikim ng Santa Catalina ay ang saging na pakol na isa sa mga pangunahing produkto nila at paborito rin ng mga unggoy sa Wildlife Monkey Sanctuary.

 

 

 

Titikman naman ni Drew ang iba’t ibang putahe na may saging sa mga sangkap nito kagaya ng ginataang manok with saba at pork humba with banana blossoms. Nariyan din ang iba pang produkto ng Santa Catalina na gawa sa saging o buko. May matamis at may maasim! Mahuhulaan kaya ni Drew kung buko o saging ang naging sangkap?

 

 

 

 

 

 

Adventure naman ang naghihintay sa mga biyahero sa Santabucks Eco Adventure kung saan puwedeng tumawid sa kanilang higanteng Spider Web. Mayroon ding palwa ride kung saan puwedeng magpadausdos sa gilid ng bundok habang nakasakay sa simpleng sasakyan na gawa sa kawayan.

 

 

Para sa mga mas gustong mag-relaks, naghihintay naman ang mangrove sanctuary, pati na ang Mantabios Waterfalls. May kaunting trekking nga lang pero tanggal ang pagod ninyo kapag narating na ang talon.

 

Huwag magpaiwan sa Biyahe ni Drew now on it’s new timeslot tuwing Linggo, 8:30 PM sa GTV.

—–

Biyahe ni Drew goes to Santa Catalina, Negros Oriental where one can have a face-to-face encounter with the residents of the Wildlife Monkey Sanctuary, a relaxing boat ride at a mangrove sanctuary, and an energizing dip in the cool waters of Mantabios Falls.



Biyahero Drew experiences the best of both worlds this Sunday night!
Source: Philipines News Journal

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment