Viral TikToker na tungkol sa face-to-face classes ang hirit, itatampok ng Brigada!

 

PAG-UWI

Laging pinananabikan ni Ann ang pag-uwi ng asawa niyang si Airman First Class Fortunate Regidor. Dahil bahagi ng Philippine Air Force, madalas nadedestino sa iba’t ibang lugar si Fortunate ng mahabang panahon. Nitong Hulyo, isang misyon ang kinailangang makumpleto ni Fortunate sa Sulu. At sa kanyang muling pag-uwi sa asawa, nais nitong tuparin ang pangako niyang travel para kay Ann at kanilang pamilya. Subalit hindi na ito matutupad, dahil isa si Fortunate sa mahigit 50 nasawi sa nangyaring pagbagsak ng eroplanong C-130 sa Patikul, Sulu. Ibinahagi ni Ann ang kanyang kuwento kay Mariz Umali.

 

BACK TO SCHOOL

Pangalawang taon na ngayon ng mga estudyante’t guro sa sistemang blended learning. Ibig sabihin, pawang mga gadget at modules na naman ang kanilang kaharap. At dahil tiyak marami na ang nakaka-miss sa face to face classes, naisipan ng Tiktoker na si Esnyrr ang muling sariwain ang kanyang mga karanasan noong high school at gawan ito ng mga nakakatawang skit. Sa kabila ng mga nakakatawang hirit na ito, hindi maikakailang ang lubos na apektado sa sitwasyon natin ngayon, ang pagkatuto ng mga kabataan. Alamin yan sa kuwento ni Kara David.

 

NANG DAHIL SA SELOS

Selos ang isa sa mga pangunahing dahilan ng maraming hiwalayan. Pero hindi lang mga nasisirang relasyon ang nag-uugat sa selos, kundi pati ang paggawa ng karumal-dumal na krimen. Tulad na lang daw ng nangyari sa San Miguel, Bulacan kung saan limang bahay at isang ginang ang natupok ng apoy, o ang nangyaring pananaksak sa isang lalaki na nagresulta sa bahgyang pagkaparalisa. Inalam ni John Consulta kung ano ang tumatakbo sa isip ng isang taong napangibabawan ng selos at paano ito pagtutulak sa kanyang gumawa ng krimen.

 

Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Sabado, 9:50 ng gabi, sa iisang Brigada sa GTV.


About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment