Iba t-ibang sarsa sa ibang bansa, ibibida sa IJuander!?

I JUANDER, ANO-ANO ANG IPINAGMAMALAKING MGA SARSA NG IBANG BANSA?

Pagdating sa pagkain, may pagkakakilanlan ang bawat bansa. At mas lalo pa nga raw sumasarap ang mga ito kapag hinaluan ng ipinagmamalaki nilang mga sarsa.

Sa French cuisine, mayroong tinatawag na mother sauces o yung pangunahing mga sarsa na inilalagay sa kanilang mga lutuin. At para alamin kung ano-ano ang mga ito, magre-restaurant hopping sa Paris ang Pinoy caregiver na si Mark.

 

 

Samantalang ibibida naman ng isang Filipino chef sa Italy ang tinatawag na ragu o traditional tomato-based sauce na inilalagay sa kanilang mga pizza at pasta. Gayun din ang salsa verde o green sauce na ipina-partner naman daw ng mga Italyano sa mga inihaw na putahe.

 

 

Kilala naman ang bansang India sa mga pagkaing may curry at ang itinuturing nga raw na “King of Indian Curries” ang tinatawag na korma sauce. Pero hindi na raw kailangan pang lumabas ng bansa para matikman ito dahil sa Maynila, matatagpuan ang isang restaurant na naghahain ng authentic Indian dishes. At ang kanilang bestseller, ang chicken korma na pinasarap siyempre ng korma sauce.

Ang isa sa mga produkto na pinagmamalaki ng Thailand ay ang mani. Kaya naman, mani ang pangunahing sangkap sa sauce na ihahain sa atin ni Chef Harlequin. Ang peanut sauce o tinatawag ding “satay sauce” ay masarap i-partner sa grilled meat lalo na sa manok, na swak din sa panlasa nating mga Pilipino.

Tumutok sa I Juander para sa isa na namang katakam-takam na usapan. Abangan ngayong Linggo, 7:45 PM sa GTV at alamin ang sagot sa tanong ni Juan:

I Juander, ano-ano ang ipinagmamalaking mga sarsa ng ibang bansa?


About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment