I JUANDER, ANO-ANO ANG URI NG LIDER SA BAYAN NI JUAN?
Lalaki man o babae, bata o matanda, may karanasan o wala, may ilang mga Juan na handang umako ng mabigat na responsibilidad at tumayo bilang lider ng kanilang nasasakupan.
BTS Army, unite! Sino nga ba ang mag-aakala na ang samahan ng diehard fans ng K-Pop group na BTS, magtutulong-tulong para sa isang proyektong pang-kalikasan. Sa pamumuno ni Filo na noo’y plano lang magtanim ng sampung seedling, umabot sa 2,200 and counting.
Bilang isang registered nurse, maraming oportunidad na naghihintay kay Henry sa ibang bansa. Pero mas pinili niya na maging magsasaka at nagtayo ng samahan sa kanilang bayan. Sa kanyang pamumuno, ang problema sa irigasyon at iba pang suliranin ng mga kapwa niya magsasaka, ngayo’y natugunan na.
Kabataan ang pag-asa ng bayan, ito ang mga kataga ni Dr. Jose Rizal na tumatak daw sa dalawampung taong gulang na si Mirus. Kaya sa kanyang edad, itinatag niya ang Youth Advocates of the Philippines, isang organisasyong naglalayon na makapagbigay ng oportunidad sa mga kabataang nais makasama sa iba’t ibang adbokasiya. Sa ngayon, nasa isandaang libong katao na nga raw ang natulungan ng iba’t ibang volunteer works ng kanilang organisasyon.
Sa darating na Oktubre, maghahain na ng kandidatura ang mga nagnanais na tumakbo sa eleksyon sa isang taon. Kaya si Juan, mahaba pa ang panahon para makapag-isip kung sino ang gusto niyang iluklok sa puwesto. I Juander, ano nga ba ang mga kwalipikasyon na dapat mayroon sa isang naghahangad na maging lider ng bansa?
Samahan sina Susan Enriquez at Mark Salazar ngayong Linggo sa I Juander, 7:45 PM sa GTV. At alamin ang sagot sa tanong ni Juan:
I Juander, ano-ano ang uri ng lider sa bayan ni Juan?
0 comments :
Post a Comment