I Juander, ano-ano ang mga kakaibang food trip na matitikman sa Asya?

I JUANDER, ANO-ANO ANG MGA KAKAIBANG FOOD TRIP NA MATITIKMAN SA ASYA?

Kakaibang food trip sa buong Asya na para sa matitibay ang sikmura ang mapapanood ngayong linggo!

Sa Tokyo, mayroong restaurant na naghahain ng ramen na hindi karne ang pangunahing sahog kundi cricket o tipaklong. At kung sa karaniwang sashimi, hilaw na isda ang ginagamit, mayroon din silang tinatawag na basashi kung saan ang inilalagay, hilaw na karne ng kabayo.

Ang Noryangjin Fish Market ang pinakamatanda at pinaka dinarayong wet market sa Seoul, South Korea. Hindi lang samu’t saring mga isda ang mabibili rito kung pati mga kakaibang lamang dagat na puwede raw kainin on the spot. Gaya ng kanilang gaebul o tinatawag din nilang penis fish dahil sa kakaibang hitsura nito at san-nakji o long arm octopus. Ito raw ang mga kakaibang pagkain na pumukaw sa panlasa ng Pinoy chef na si Belgium noong bagong salta raw siya sa South Korea.

Sa Hong Kong sikat na ihinahain ang peking duck at mga putaheng mula sa manok. Pero bukod sa karne ng mga ito, pwede rin daw lantakan ang ibang parte nito tulad ng dila ng bibe at bayag ng manok.

Dahil sa pandemya, mistulang ghost town na ngayon ang Beijing Night Market kung saan matitikman noon ang mga kakaibang pagkain sa China. Pero ang OFW/vlogger na si Charmaine, alam daw kung saan makakatikim ng pamosong stinky tofu at ox tripe o tuwalya ng baka kung tawagin ng mga Pinoy.

Sumama kina Susan Enriquez at Mark Salazar sa isang kakaibang food trip ngayong Linggo sa I Juander, 7:45 PM sa GTV at alamin ang sagot sa tanong ni Juan:

I Juander, ano-ano ang mga kakaibang food trip na matitikman sa Asya?

English:

Asia offers a wide range of cultural flavors and unique delicacies. But these recipes are more than just distinctive cuisine, they represent the rich culture of the Asians. Join Susan Enriquez and Mark Salazar this Sunday, 7:30 PM on GTV, and find out different exotic foods to try out in Asia.


About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment