Guiguinto homicide case, tututukan sa ‘Imbestigador’

 

“GUIGUINTO HOMICIDE CASE”
Sa pagganap nina Pepita Curtis at Jose Sarasola
September 18, Sabado, 4:45pm ng hapon

 

(victim’s actual photo)

“Huwag mo akong patayin, gusto ko pang mabuhay”. “Tulong, tulong!”

Sa gitna ng tahimik na gabi, ito ang mga narinig na sigaw ng isang residente sa isang nakakandadong salon sa Guiguinto, Bulacan. Agad niya itong iniulat at kalaunan pinuntahan ng barangay ang lugar. Sa kanilang pagdating, hindi nila inasahan ang kanilang madaratnan. Sa loob ng salon, tumambad ang bangkay ng biktimang si Cindy Jones Torres na nakitaan ng apat na saksak sa katawan. May-ari ng parlor si Cindy at madalas dito na rin daw siya natutulog.

Bukod sa biktimang si Cindy, ikinagulat ng mga otoridad nang nakita rin nila ang isang lalaki sa loob ng parlor. Siya ang 22 taong gulang na si Arnold Diosana. Bakit nasa loob ng parlor si Arnold at ano ang kinalaman niya sa sinapit ni Cindy?

Sundan ang mga detalye ng kasong ito sa Imbestigador ngayong Sabado, Sept. 18, 4:45pm pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA. 

 

(photos from dramatization)


About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment