‘Batang Bituin’ ngayong Linggo sa ‘Stories of Hope’!

 

STORIES OF HOPE: “BATANG BITUIN”
August 22, Linggo ng hapon, 4:05 PM sa GMA

Sina Ryzza Mae Dizon, Yuan “Pao-pao” Francisco at Sebastian Benedict Granfon o mas kilala sa tawag na Baste, mga batang nagpamalas ng galing at talento sa telebisyon na hinangaan at kinagiliwan ng publiko. Pero simula nang tumama ang pandemiya, matapos ipagbawal ang paglabas ng mga bata dahil sa banta ng Covid-19, halos bihira na silang makita.  Paano nga ba ang buhay ng tatlong batang bituin sa gitna ng pandemiya?

 

 

RYZZA MAE DIZON

Noong 2012, nagwagi ang noo’y anim na taong gulang na si Ryzza Mae Dizon bilang Little Miss Philippines sa Eat Bulaga. Pinahanga niya ang buong bansa sa kanyang pagiging bibo kaya naman mula noon, naging bahagi na siya ng Eat Bulaga at binansagang “Aleng Maliit”.

 

Pinasikat niya ang kantang “Cha-Cha Dabarkads” at talaga namang ginaya ang kaniyang pagsayaw mula Aparri hanggang Jolo.Nagkaroon din ng sariling talk show si Ryzza Mae noong 2013 — ang “The Ryzza Mae Show”. Siya ang itinuring na pinakabatang talk show host sa edad na pitong taong gulang.

 

Pero kahit naging busy sa showbiz, hindi tumigil sa pag-aaral si Ryzza. Hindi nagtagal, nakapagpagawa na sila ng sariling bahay at nakabili ng sariling sasakyan. Nagtayo rin sila ng internet café bagamat pansamantalang isinara nang tumama ang pandemiya.

 

Ngayong pandemiya, naging abala naman si Ryzza sa vlogs kung saan ipinapakita niya ang kanyang mga pinagkakaabalahan kasama ang pamilya.

YUAN “PAO-PAO” FRANCISCO

Taong 2016 nang mapasama ang batang si Yuan Francisco sa fantaseryeng  Encantadia kung saan gumanap siya bilang si “Pao-pao” na may hawak ng makapangyarihang ikalimang diyamante! Mula noon, tinawag na siyang Pao-pao ng kaniyang fans at sunud-sunod ang kaniyang mga teleserye.

 

Pero nang magsimula ang pandemiya, natigil din ang mga proyekto ni Yuan. Ngayon, kahit nasa bahay, abala naman si Pao-pao sa maraming makabuluhang gawain. Tumutulong siya sa mga gawaing bahay at pag-aalaga ng kapatid. Naisip din ng kaniyang mga magulang na magbenta ng mga helmet online shop na tinawag nilang “Helmet ni Pao-pao”. May physical store na rin ito sa kanilang tirahan sa Teresa, Rizal. Si Pao-pao, hands on din daw sa pagtulong sa negosyo pagkatapos ng online class.

 

 

SEBASTIAN BENEDICT “BASTE” GRANFON

Taong 2015 nang makilala ang tatlong taong gulang na si Sebastian Benedict Granfon na mas kilala sa tawag na  “Baste”. Naging viral noon ang kaniyang dubsmash video at dahil dito naging bahagi siya ng Eat Bulaga. Pinasikat din ni Baste ang kantang “Bastelicious” na sinabayan pa ng nakakaindak na sayaw!

 

Simula nang tumama ang pandemiya, sa kanilang bahay sa General Santos City na sila namalagi kung saan mas nagkaroon siya ng mas maraming oras sa pamilya. Kabilang din sa mga pinagkakaabalahan niya ang boxing, pagluluto at pagtulong sa mga gawaing bahay. Tutok din sa online class si Baste kasama ang pitong taong gulang niyag kapatid na si Sam.

 

 

Sundan ang kuwento nina Ryzza Mae Dizon, Baste Granfon at Pao-pao Francisco sa Stories of Hope, ngayong August 22, Linggo, 4:05 PM sa GMA-7!


About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment